BATANGAS - Dahil sa matinding pananalasa ng bagyong ‘Nina’ nitong Lunes, isinailalim na sa state of calamity ang buong Batangas.

Sa special session nitong Martes, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang Resolution No. 397-2016 na nagsasailalim sa buong lalawigan sa state of calamity, sa kahilingan na rin ni Gov. Hermilando Mandanas.

Sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), mahigit 12,000 katao ang naapektuhan ng Nina at mahigit 3,000 bahay ang nawasak, habang ang bayan ng Tingloy ang pinakamatinding nasalanta.

Matatandaang sa karagatang sakop din ng Tingloy lumubog ang M/V Starlight Atlantic na ikinasawi ni Lyca Banaynal, habang 14 naman niyang kasamahan ang nailigtas. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito