Naaagnas na at hindi na makilala ang bangkay ng isang lalaki na natagpuang palutang-lutang sa Manila Bay sa Port Area, Maynila kamakalawa.

Sa ulat ni SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nabatid na ang bangkay ng biktima, tinatayang nasa edad 30 hanggang 35, may taas na 5’3”, nakasuot ng brown short pants at hubad-baro, ay nadiskubre dakong 7:45 ng umaga.

Isang mangingisda umano ang napadaan sa lugar, may 200 metro ang layo sa Pier 13, sa Port Area, at namataan ang bangkay at agad itinawag sa Philippine Coast Guard (PCG) na siyang nag-ahon sa bangkay.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng naliligo sa dagat ang biktima at aksidenteng nalunod dahil walang nakitang sugat sa katawan nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gayunman, posible rin umanong nagpakamatay ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. (Mary Ann Santiago)