May 50 batang palaboy ang iniulat na tumakas mula sa Manila Boys’ Town center sa Marikina City kahapon.

Bahagi sila ng mahigit sa 100 batang lansangan na pagala-gala at namamalimos sa Roxas Boulavard at ni-rescue ng mga tauhan ng Manila Social Welfare and Development (MSWD).

Batay sa ulat, dakong 3:00 ng hapon nang matuklasang nawawala ang mga bata sa Boy’s Town.

Ayon sa isang tumakas na nagpakilalang Patrick Hiya, 10, hindi nila masikmura ang pinapakain sa kanila ng mga tauhan ng MSWD kaya sila tumakas.

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

Mariing pinabulaanan ni Nanette Tanya, head ng MSWD, ang alegasyong panis at hilaw na pagkain ang inihahain nila sa mga batang palaboy. Sinisikap rin nila na maibalik sa Boys’ Town ang mga tumakas. (Mary Ann Santiago)