Sampung katao ang nasawi, apat ang nawawala at 79 ang nasugatan sa pananalasa ng bagyong ‘Nina’, samantala aabot naman sa P83,460,000 ang kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo sa Marinduque at Mindoro, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.

Ayon kay Undersecretary Ricardo B. Jalad, NDRRMC Executive Director at siya ring administrator ng Office of Civil Defense (OCD), may kabuuang siyam na road section at tatlong tulay ang hindi madaanan dahil sa nagtumbahang mga puno, habang matindi naman ang baha sa Region 2, Calabarzon, MIMAROPA, Bicol at Region 8.

Idinagdag ni Jalad na labis ding nasalanta ang Catanduanes at Camarines.

Sinabi ni Jalad na base sa kanilang assessment, nasa kabuuang 30,897 bahay ang naapektuhan sa Region 5, na 21,225 ang bahagyang nasira habang 9,672 naman ang nawasak.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Aniya, inihanda na ng gobyerno ang emergency shelter assistance para sa libu-libong pamilya na inilikas.

(Francis T. Wakefield)