Disyembre 28, 1895 nang ipalabas sa publiko, sa unang pagkakataon, ang pelikulang iprinodyus ng magkapatid na sina Louis at Auguste Lumiere sa Salon Indien du Grand Café in Paris, France — ang unang commercial movie screening sa mundo.
Binuo ng magkapatid ang pelikula, isang serye ng maiikling eksena sa pang-araw-araw na buhay ng French, gamit ang Cinematographe, isang camera-projector na kanilang inimbento, at ipinakita sa publiko sa unang bahagi ng 1895.
Nang sumunod na taon, binuksan ng magkapatid ang mga sinehan upang mapanood ang binuo nilang pelikula at nagpadala ng mga crew sa iba’t ibang panig ng mundo upang mag-shoot ng panibagong materyal.