WEST PALM BEACH, Fla. (AP) – Ilang araw matapos bumoto ang United Nations para kondenahin ang Israeli settlements sa West Bank at silangang Jerusalem, kinuwestyon ni Donald Trump ang bisa nito noong Lunes, sinabing ito ay isa lamang samahan para sa mga taong nais magkaroon ng “good time.”

“The United Nations has such great potential but right now it is just a club for people to get together, talk and have a good time. So sad!” isinulat ng president-elect sa Twitter noong Lunes.

Nauna rito, sinabi niya na ang pagkatalo ng Israel sa UN “will make it much harder to negotiate peace”. Nagbabala siya sa samahan na “things will be different after Jan. 20th,'' sa pag-upo niya sa puwesto.

Initsa-puwera ng desisyon ng administrasyong Obama na mag-abstain sa botohan ng UN Security Council , ang mga kahilingan ni Trump na gamitin ng US ang veto power nito. Naging sukdulan din ito ng ilang taon nang malamig na relasyon ng Amerika sa liderato ng Israel.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’