IBINUNYAG na ng Metropolitan Manila Film Festival (MMFF) ang apat na pelikulang nanguna sa takilya – dalawang comedy film, teenage romance at horror – simula nang magbukas ito noong Pasko.
Sa walang partikular na pagkakasunud-sunod, pinakamalaki ang kinikita ng Ang Babae Sa Septic Tank 2:
#ForeverIsNotEnought, Die Beautiful, Vince & Kath & James, at Seklusyon sa MMFF.
Inihayag ng MMFF Executive Committee na sila ay “happy to have reached out our first day target ticket sales” bagamat hindi ito umabot sa box office figures.
“We have re-assessed and set a new benchmark for this festival, we nevertheless look at the financial sales for the first day as a real bonus as we have already achieved what we started out to in the first place which is the cultural advancement through our Filipino films,” saad ng MMFF executive committee sa isang pahayag.
“You cannot put a price at something which the future generations of Filipinos will find priceless and ageless,” dagdag nila.
Naging positibo naman si Tim Orbos, MMFF concurrent chairman, na tatangkilikin ng publiko ang mga pelikula sa MMFF.
“They (films) may not be the box office that we want but this year’s festival is about changing the norms, which we have already won,” ani Orbos.
Ang iba pang entries ay Kabisera, Saving Sally, Sunday Beauty Queen at Oro. Magtatagal pa sa mga sinehan sa Kamaynilaan ang mga nabanggit na pelikula hanggang Enero 3, 2017.
(Editor’s note: Inilabas namin kahapon ang kumpletong kinita ng bawat pelikula noong opening day.)
(ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN)