taylor-copy-copy

MULING nagpasaya ng tagahanga si Taylor Swift sa pagbisita niya sa 96 na taong gulang na World War II veteran sa tahanan ng huli sa Missouri.

Kilala si Swift sa pagsosorpresa ng kanyang mga tagahanga – sa pagdalo niya sa mga kasalan, bridal shower, at maging sa mga dance party. At nitong Lunes, sinorpresa ni Swift ang kanyang isang natatanging tagahanga.

Itinuturing na pinakamatandang “Swifty” si Cyrus Porter – na nagsabi kay Ozarks First na nakadalo na siya sa iba’t ibang konsiyerto ni Swift, at ginagamit niya ang pagmamahal sa 27 anyos na singer para mas mapalapit sa kanyang mahigit sa 20 apo.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I’ve been to two concerts,” aniya. “Memphis and St Louis. Look what she does… she puts on a show no one else puts on. I just enjoyed going to see ’em and her. I would as soon go see her right now as anybody!”

Bagamat inaasahan ni Porter muli niyang makikita si Swift, gumawa na ng paraan ang singer para hindi na niya kailangan mag-aalala tungkol sa paghihintay sa susunod na tour ng singer.

Bumisita si Swift sa tahanan ni Porter dakong 1:00 ng hapon kahapon. Mayroong mga larawan si Swift kasama si Porter na naibahagi ng mga apo niya na sina Robert Frye at Chip Dawg sa Twitter.

“It’s a Christmas Miracle!” caption ni Frye sa kanyang selfie kasama ang kanyang lolo at si Swift. “Thank you @taylorswift13. My grandpa was so excited!!”

“When @taylorswift13 crashes your family Christmas…” saad ni Dawg sa caption sa selfie nila ni Taylor Swift.

(People.com)