‘Di nagdalawang-isip ang mga pulis na arestuhin ang isang sundalo dahil sa walang habas nitong pagpapaputok ng baril sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr. ang suspek na si Corporal Lovelyson Cutas y Lerede, nasa hustong gulang, miyembro ng Philippine Marines at nakatalaga sa Philippine Marine Headquarters, Taguig City at residente ng FTI Bicutan ng nasabing lungsod.

Dakong 6:00 ng umaga dinakip si Cutas sa bukana ng PNR Compund, Western Bicutan matapos niyang paputukin ang kanyang service firearm na nagdulot ng matinding takot sa mga residente at ikinaalarma ng mga naka-duty na guwardiya sa lugar na nagtangka ring umaresto kay Cutas ngunit mabilis na tumakas sakay sa kanyang motorsiklo.

Sa follow up operation ng Taguig City Police, tuluyang nakorner at naaresto ang sundalo sa Vallezar Street.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Agad isinailalim sa medical examination si Cutas sa Taguig Pateros District Hospital.

Sinasabing lasing si Cutas nang magpaputok ito ng baril sa nabanggit na lugar.

Kasong grave threat, alarm scandal, illegal discharge of firearm at illegal possession of explosive (hand grenade) ang isasampa laban kay Cutas. (BELLA GAMOTEA)