VICTORIA, Tarlac – Isang hindi kilalang lalaki na pinaniniwalaang salvage victim ang natagpuan sa madamong bahagi ng Barangay Mangolago sa bayang ito, Lunes ng umaga.

Ayon kay PO2 Benson Jones Berte, binalutan ng plastic ang mukha at iginapos ng cable wire ang katawan nito.

Napag-alaman na nakarekober ang mga pulis sa bag ng biktima ng apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu, mga litrato at drug paraphernalia.

Ang biktima ay edad 30-35, blonde, maputi, balingkinitan, may taas na 5’7” at nakasuot ng kupas na maong shorts at itim na T-shirt. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog