Hinatulan ng Regional Trial Court ng Iriga ang presidente ng isang pribadong eskuwelahan sa Nabua, Camarines Sur na magbayad ng utang at multa sa Social Security System (SSS).

Ayon kay SSS Assistant Vice President ng Operations Legal Department Renato Jacinto S. Cuisia, inutusan ng korte si Jorge G. Orasa, Presidente ng Holy Cross Learning School of Nabua, Inc. (HCLSNI), na bayaran ang naipong P295,556.32 penalty sa SSS at multang P20,000.

“Hindi nahatulan ng pagkakakulong si Orasa dahil nagbayad naman ang HCLSNI ng kontribusyon na nagkakahalaga ng P137,218 para sa mga taon mula Agosto 2000 hanggang Hunyo 2009,” ani Cuisia. (Jun Fabon)

Relasyon at Hiwalayan

John Lloyd Cruz, Isabel Santos nag-unfollow sa isa't isa; minamalisyang hiwalay na!