scarlett-copy-copy

KINILALA si Scarlett Johansson bilang top-grossing actor ng 2016 nitong Martes. Ito ay dahil na rin sa kanyang ginampanan sa Captain America: Civil War at Hail Caesar.

Ininahayag ng Forbes na natalo ni Johansson ng kanyang co-stars sa Captain America na sina Chris Evans at Robert Downey sa kanyang box-office earnings sa kanyang pangalawang pelikula ngayong 2016 na Hail Caesar. Kumita ng $1.2 billion ang mga pelikula ni Johansson sa worldwide box office ngayong taon, kumpara sa $1.15 billion ng Captain America: Civil War.

Inilabas noong Mayo at tampok ang labanan nina Iron Man, Spiderman, Black Widow at Ant Man, naging biggest earner ang Captain America ng Walt Disney sa buong mundo ngayong taon, ayon sa datos mula sa Boxofficemojo.com

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nasa ikaapat na puwesto ang Australian actress na si Margot Robbie sa kinitang $1.1 billion ng mga pelikula niyang Suicide Squad at The Legend of Tarzan.

Nanguna sa listahan ng Forbes ang superhero at comic book na mga pelikula kabilang ang Batman vs. Superman: Dawn of Justice at Deadpool.

Ito naman ang unang pagpasok ni Felicity Jones ng Britain sa listahan ng Forbes sa kanyang pagganap sa Rogue One: A Star Wars Story, Inferno at A Monster Calls. Nasa ikasiyam na puwesto si Jones sa kinitang $805 million.

Ibinase ng Forbes ang kanilang listahan sa global ticket sales mula sa mga pelikula ng mga top Hollywood actor, ngunit hindi nito isinama ang mga animated movie tulad ng Finding Dory, ang pangalawang biggest release ngayong taon na may $1.02 billion. (Reuters)