ZAMBOANGA CITY – Inaresto ng mga operatiba ng pulisya at militar dito ang sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) at ang nagbabantay dito habang naka-confine ang una sa ospital dahil sa mga tinamong tama ng bala.

Kinilala ng awtoridad ang nadakip na si Hairulla Asbang, alyas “Ahadi”, sub-leader ng bandidong grupo; at isang Jaber, na nagbabantay kay Asbang sa Zamboanga Peninsula Medical Center sa siyudad na ito. Isinugod sa pagamutan si Asbang nitong Lunes ng umaga dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa report, sa pagtutulungan ng mga operatiba ng Western Mindanao Command (WestMinCom) at ng Zamboanga City Police Station 5 ay nadakip si Asbang sa ospital bandang 6:45 ng gabi nitong Lunes.

Nahaharap si Asbang sa kidnapping with murder at kidnapping at serious illegal detention sa Branch 10, 9th Judicial Region sa Dipolog City; at kidnapping with homicide sa Branch 34, 11th Judicial Region kaugnay ng pagdukot sa Samal Island.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa military, bandang 7:30 ng umaga nitong Lunes nang magpagamot sa nabanggit na ospital si Asbang dahil sa mga tama ng bala, ilang oras makaraang makaengkuwentro ng ASG ang militar sa Sulu.

Bantay-sarado ngayon sa pagamutan sina Asbang at Jaber. (Nonoy E. Lacson)