Habang masayang nakikipag-inuman sa mga kaibigan, pinagbabaril at pinatay ng riding-in-tandem ang isang pulis sa Caloocan City, nitong Lunes ng gabi.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Commonwealth Memorial Medical Center si PO1 Andera Punzal, 33, nakatalaga sa Valenzuela Police Station, at residente ng Block 5, Lot 17, Espina Street, Capitol Park, Barangay 177, Camarin ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng cal. 45 sa katawan.

Sa report ni PO3 Rio Velez, dakong 7:00 ng gabi sa labas ng bahay ni Punzal, nag-iinuman ang biktima at kanyang mga kaibigan na sina Ondong at Aaron.

Maya-maya pa’y dumating na ang dalawang suspek na lulan sa motorsiklo na walang plaka at tuluyang pinagbabaril ang biktima.

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'

Sa takot nina Ondong at Aaron, nagsidapaan na lamang umano sila upang hindi madamay sa pamamaril.

Habang isinusulat ang balitang ito, nagsagawa ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang malaman ang motibo sa pamamaril. (Orly L. Barcala)