Isinulong ni Senator Juan Miguel Zubiri na maipagbawal na ang panghuhuli sa mga pating, page at ibang hayop sa dagat na malapit nang mawala sa mundo.

Sa kanyang Senate Bill No. 1245 (Sharks and Rays Conservation Act), nakasaad na ipagbabawal na ang “catching, sale, purchase, possession, transportation, and exportation” ng lahat ng pating at page sa buong bansa. Mahaharap sa 12-taon pagkakulong at multang P1 milyon ang lalabag sa batas kabilang na ang pananakit sa mga pating at page.

Inaatasan nito ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na maglabas ng kautusan na nagdedeklarang “endangered” na ang mga nasabing hayop.

Ayon kay Zubiri, kailangan ito upang matiyak na maprotektahan ang ating karagatan at mabalanse ang marine ecosystem, para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon. (Leonel M. Abasola)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'