Kaugnay ng kampanyang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa, nakatakdang bumili ang Department of Health (DoH) ng P50 hanggang P100 milyon halaga ng condom sa susunod na taon.

Inanunsyo ito ni Health Undersecretary Gerardo Bayugo kahapon sa press briefing sa Malacañang kung saan sinabi niya na naglaan ng P1 bilyon ang ahensiya para matugunan ang problema sa HIV at acquired immune deficiency syndrome (AIDS) sa 2017.

“For the condoms, I think P50 million to 100 million worth of condoms is scheduled for procurement next year,” ani Bayugo.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Bayugo na may nakahanda nang 10 milyon condom ang DoH para ipamahagi sa pilot areas, partikular sa high-risk areas sa Metro Manila, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) at Central Luzon. (PNA)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji