MARAMING taga-showbiz ang nagtataka sa aktres na ang dami-dami raw hugot sa katawan kaya napaghahalatang hindi masaya sa buhay.

“Bakit si _____ (Aktres A), ang daming angst sa buhay,” kuwento ng mga kausap namin. “Hindi pa ba siya masaya? May career, may love life, at okay naman ang family niya. Parang may inggit pa rin siya kay _____ (Aktres B) kasi may mga post siyang parang patama, eh.”

“Kasi alam niyang mas maraming fans si _____ (Aktres B) kaysa sa kanya at hindi naman malalaking projects ang napupunta sa kanya kaya panay ang parinig,” hirit ng isang TV executive.

Ang problema, dedma naman daw ang aktres na pinariringgan ng maangas na aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Iñigo, pabirong inilapit si Sam kay Catriona pero dinedma lang

Matagal nang kampante sa sarili at sa takbo ng buhay si Aktres B at anuman ang pinagkakaabalahan ay masaya ito.

Naku, isa lang naman ang dahilan kung bakit hindi masaya si Aktres A sa buhay niya, maraming may ayaw sa kanya.

(Reggee Bonoan)