NAGPAPAHID pa ng luha, pero nakangiting humarap si Lovi sa ilang bumisita sa set ng last taping day ng Someone To Watch Over Me nila nina Tom Rodriguez, Edu Manzano, Jackie Lou Blanco at Cogie Domingo.
“I’m gonna miss everybody,” sabi ni Lovi. “Ito na siguro ang pinakamahirap na role na nagampanan ko, emotionally, but very fulfilling. Minsan nadadala ko pa sa bahay ang emotions ko. But working with Tom (Rodriguez), who is really good, lighten the scene. Pero as Joanna, she is a fighter, she’s fighting for a love that is not given back. Nasa tabi ka niya pero hindi ka niya kilala. Sabi ko nga, kung ang husband ko ay tulad ni TJ, siya ang taong hindi mo kayang iwan kahit anong sakit ang mararamdaman mo. After this, sign-off na muna ako.”
Pinakamasakit na naranasan niya sa pagganap sa character ni Joana nang malaman niya ang sakit ni TJ at ang totally na siyang nakalimutan nito. Tiyak daw na iiyak din ang televiewers sa huling eksenang sinabi niya kapag ipinalabas na.
Makikita kung gaano sila ka-attached ni Tom sa kani-kanilang characters. At hindi matanggal ang feeling niya kahit ngayong tapos na ang taping nila, hindi siya makapag-move on.
Mapapanood ang finale nila sa January 6, 2017, pagkatapos ng Alyas Robin Hood.
On a lighter side, inamin ni Lovi na in town na ang kanyang foreigner boyfriend. Ano na ba ang level ng relationship nila?
“No status pa, but it’s very refreshing, we are more than friends. I don’t believe in courtship but on companionship.
Dito lamang kami sa house ko sa Christmas, aalis kami for New Year, kasama ang family ko after Christmas for New York City.”
Pabirong tanong kay Lovi ng mga katoto, ano ang pagkakaiba ng foreigner boyfriend kumpara sa mga Pinoy?
“No problem naman ako sa mga past relationships ko, they have been good to me naman. For me kasi, naniniwala ako na to be able to act, I cannot leave my past, I need it in my work. Nahuhugutan ko iyon ng mga emosyon ko.”
Sa ngayon, dahil sa success ng Someone To Watch Over Me, alam niyang may bagong soap na pinaplano para sa kanya, pero ayaw pa niyang sabihin kung sino ang bagong makakasama niya.
May New Year’s Resolution na ba siya?
“I cannot follow my New Year’s Resolution lagi dahil mahilig talaga akong mag-snack. Iyong junk food medyo nali-lessen ko na, pero ang hindi ko talaga ma-resist, chocolates and marshmallows, cakes. May addiction na raw ako sa sugar. But this year, babawasan ko na rin ang sugar intake ko,” natatawang sabi ni Lovi. (Nora Calderon)