PRAGUE(AP) -- Hindi kayang pigilan ng insidente ang determinasyon ni Petra Kvitova na maglaro muli ng tennis at sumabak sa kompetitibong kompetisyon.

“I don’t care about how much time it takes, three months, six months or a year,” pahayag ni Kvitova, kampeon sa Wimbledon noong 2011 at 2014.

“But that’s for sure I want to return one day and I’ll do all I can to make that happen. I had no doubt about my return to the tennis circuit for a second.”

Nakauwi na sa kanyang tahanan si Kvitova matapos sumailalim sa operasyon para tahiin ang nasugatang kaliwang kamay matapos salagin ang patalim nang naaktuhan niyang magnanakaw sa loob ng kanyang bahay sa Prostejov.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon sa surgeon, ligtas at walang dapat ipagamba ang tennis star.

“I feel better day by day,” aniya.

“Yesterday morning during a session (with) the doctor, I was able to move the fingers on my left hand which I think ... was the greatest Christmas present I could have wished for.”

Pinasalamatan ni Kvitova ang kanyang pamilya, tagasuporta at kapwa player sa suportang ibinigay sa kanya.

“I never received so many (supportive) messages in my life at a moment,”pahayag niya. “I really appreciate that.”

Aniya, ang nakuhang suporta ang nagpalakas ng kanyang loob para muling magbalik laro.

Noong April 1993, sinugod ng isang tagahanga at sinaksak sa likod si Monica Seles habang naglalaro sa Hamburg.

Nagbalik aksiyon siya matapos ang mahigit isang taong pamamahinga at umabot sa Finals ng US Open noong 1995.