Hindi na umabot sa Bagong Taon ang isang construction worker makaraang ma-trap sa nasunog niyang bahay sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Habang nilalapatan ng lunas sa South Super Highway Hospital, namatay si Rodelio Zaldivia, 59, ng Block 10, Lot 4, Park 8, Barangay Tanyag ng naturang lungsod.

Sa ulat na natanggap ng Taguig City Police kay barangay chairman Joey Sucaldito, dakong 9:25 ng gabi sumiklab ang sunog na nagsimula sa bahay ni Zaldivia.

Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bahay kung saan hindi na nagawa pang makalabas ng biktima.

Eleksyon

Camille Villar, nakisaya sa Bangus Festival sa Dagupan, nangakong palalakasin ang tulong sa mga magsasaka at mangingisda

Sa inisyal na report ng Taguig Fire Department, dakong 10:27 ng gabi naapula ang sunog sa lugar.

Agad na isinugod sa nasabing ospital si Zaldivia ngunit namatay din ito.

Wala namang nadamay na bahay sa insidente.

Inaalam na ng awtoridad ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng ari-ariang natupok. (Bella Gamotea)