joel-eugene-at-jericho-copy

BONDING moment namin ng aming anak na si Patchot noong Lunes ng gabi at gusto niyang manood ng Die Beautiful sa Eastwood City Walk (old building), pero sold out na. Type rin niya ang Vince & Kath & James, pero sold out na rin sa Eastwood Mall (new building).

Sabi niya, gusto raw niyang tumawa, ayaw muna niyang matakot. Pinilit naming panoorin ang Saving Sally at Sunday Beauty Queen, pero sinagot kami ng, “Ayoko muna ng drama, laging drama na pinapanood ko po, ayoko ng Saving Sally.

Gusto ko pong matawa.”

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Kaya sa Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever is Not Enough sa Eastwood City Walk Cinema 3 kami napunta.

Nasanay na kami sa kasasaway sa walang humpay na pagtawa ng anak namin kapag nanonood ng comedy films, at dito sa Septic Tank ay panay ganito na naman ang eksena naming dalawa. Dahil tawa siya nang tawa. Sa madaling sabi, gets niya ang humor ng pelikula na sinasabing mas mataas kung ikukumpara sa usual comedy movies nina Vic Sotto at Vice Ganda.

Bentang-benta sa bagets si Joel Torre na kung anu-ano raw ang ipinagagawa ng direktor at ‘yung sinabing hindi raw sila bagay na love team ni Eugene Domingo, mas puwede pang maging magtatay. Tawa pa rin nang tawa si Patchot nang galit na galit nang tumawag si Joel sa manager at ipinipilit na alisin na siya sa project.

Natawa kami sa reaksiyon ng anak namin sa ending na tumapon kay Uge ang laman ng tangkeng nabangga ng minamanehong BMW.

“Ha-ha-ha, lahat ng waste ng tao,” sabi ni Patchot. “Pero halatang chocolate naman ‘yan, kasi bakit walang solid, puro liquid?”

Pasado ala una ng madaling araw na kami nakauwi pero hindi pa rin kami tinitigilan sa Die Beautiful at Vince & Kath & James kaya bumalik kami kahapong alas diyes ng umaga sa Easwood City, para hindi na raw siya maubusan ng ticket.

Samantala, hindi naman full house ang Seklusyon sa Eastwood City Walk Cinema 1 noong Lunes ng gabi at wala rin kaming nakitang pumapasok na tao sa Sunday Beauty Queen sa Cinema 4.

May nagsabi sa amin, “Watch mo na ang Saving Sally at Sunday Beauty Queen bago i-pull out.”

Hmmm, kataka-takang hindi kami sinabihang panoorin ang Kabisera at Oro. May issue ba?

Anyway, as of press time, Vince & Kath & James pa rin ang nangunguna sa box office race. Pero may source kami na nagsabing neck-to-neck na ang mga sinehan na okupado nito (V&K&J, 161 theater) at Die Beautiful (150 theaters).