carrie-copy

NAGLULUKSA ngayon ang mundo sa pagpanaw ng Star Wars actress na si Carrie Fisher ilang araw makaraang iulat na inatake siya sa puso habang nasa 11-hour flight mula London patungong Los Angeles.

Naging pamoso bilang Princess Leia Organa ng Star Wars, 60 anyos lamang si Fisher nang pumanaw. Kinumpirma ito ng kanyang pamilya sa isang pahayag na, “It is with a very deep sadness that Billie Lourd confirms that her beloved mother Carrie Fisher passed away at 8:55 this morning. She was loved by the world and she will be missed profoundly.”

Nang malaman ng mga celebrity ang malungkot na balita, agad silang nagbigay ng tribute at ibinahagi ang kanilang pagluluksa sa social media. Nagluluksa ngayon ang Hollywood universe sa pagpanaw ng isang icon.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Naglabas ng pahayag ang co-star sa Star Wars at matalik na kaibigan ni Fisher na si Harrison Ford: “Carrie was one-of-a-kind… brilliant, original. Funny and emotionally fearless. She lived her life, bravely. My thoughts are with her daughter Billie, her mother Debbie, her brother Todd, and her many friends. We will all miss her.”

Bumuhos din ang tweets mula sa kanyang iba pang nakatrabaho at iba pang mga celebrity.

“Honestly, one of the most badass women to exist. May the Force always be with our Princess...#RIPCarrieFisher,” saad ni Mario Lopez

Sabi naman ni Billy Williams, “I’m deeply saddened at the news of Carrie’s passing. She was a dear friend, whom I greatly respected and admired. The force is dark today!”

“Goodnight, Sweet Princess. Thank you for so many happy memories, your heroics, your art and your friendship,” tweet ni Kevin Smith. (Yahoo Celebrity)