SAN JOSE CITY - Dahil kuwalipikado na ang Nueva Ecija na magkaroon ng karagdagang distrito, muling inihain ni 2nd District Rep. Micaela Violago ang lumang panukala na naglalayong magtatag ng ikalimang congressional district ng probinsya.

Ayon kay Violago, 2013 pa inihain ni dating Rep. Gilbert Joseph Violago sa Kamara ang nasabing panukala, at ngayon ay isusulong niya ang re-apportioning sa dalawang lungsod at anim na munisipalidad sa ikalawang distrito ng lalawigan.

Sa kasalukuyan, ang ikalawang distrito ay binubuo ng San Jose City at Science City of Muñoz, Carranglan, Pantabangan, Lupao, Llanera, Rizal at Talugtog, at may populasyong 1,955,573 noon pang 2010. (Light A. Nolasco)

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto