PARIS (AP) — Sa loob ng 49 araw, naglayag sa karagatan si Frenchman Thomas Coville, para maitala ang bagong world record, ayon sa French official.
Dumaong ang Sodebo Trimaran ni Coville sa Puerto ng Brittany nitong Lunes (Martes sa Manila) kung saan sinalubong siya nang nagbubunying pamilya, at tagasuporta.
Napaluha sa kagalakan si Coville at pinasalamat ang kanyang crew sa suportang ibinigay sa kanyang tagumpay.
Pinagsaluhan nila ang nakahandang champagne.
Nagsimula ang kanyang round-the-world journey sa isang isla sa English Channel. Sa kabuuan, bumiyahe siya ng 49 araw, tatlong oras, pitong minuto at 38 segundo, ayon sa kanyang social network site.
Ito ang ikatlong pagtatangka ni Coville para lagpasan ang dating record na 57 araw na naitala ni Frenchman Francis Joyon noong 2008. Bago ito, ang record ay 71 araw tangan ni British sailor Ellen MacArthur.
Kabilang si Joyon sa mga bumati sa tagumpay ni Coville.