DAGUPAN CITY, Pangasinan - Makararanas ng mahigit apat na oras na brownout ang pitong bayan sa Pangasinan ngayong Miyerkules.
Ayon kay Melma C. Batario, regional communications and public affairs officer, magsasagawa ng maintenance activities na makaaapekto sa mga bayan ng Binalonan, Laoac, Pozorrubio, San Manuel, Mapandan, Urdaneta at Mangaldan.
Magsisimula ang power interruption dakong 6:00 ng umaga hanggang 10:30 ng umaga, na makaaapekto sa distribution utility ng PANELCO III-Binalonan at Urdaneta substations, CENPELCO-Guilig substation, at DECORP-San Jacinto substation. (Liezle Basa Iñigo)