angelu-de-leon-02-k75-copy-copy

ISA si Angelu de Leon-Rivera sa showbiz celebrities na buong pusong pinapatuloy ang Philippine Movie Press Club (PMPC) members sa kanilang tahanan for our annual carolling.

Pero ngayon taon ay nakiusap si Angelu na “pass” muna siya dahil hindi pa siya lubusang gumagaling sa kanyang sakit na Bell’s Palsy.

Positibo ang pananaw ni Angelu sa ilang buwan na niyang pagharap sa kanyang karamdaman, hindi raw siya nawawalan ng pag-asa at sigurado siyang hindi siya pababayaan ng Diyos.

ALAMIN: Kung tuluyang mapatalsik ang bise presidente, sino ang papalit sa kaniya?

Patuloy siyang nagdarasal na bumalik na sa dati ang galaw ng kanyang mukha. Pati loyal fans ng aktres na madalas pa rin niyang nakakausap ay nagdarasal din para sa kanya.

Bilib na bilib ang mga tagahanga ni Angelu sa positive outlook ng aktres sa araw-araw na nilalabanang sakit.

May ipinakita ang kanyang isang tagahanga na isang post na kasama ni Angelu ang asawa. Sey ng aktres, hindi hadlang ang kanyang karamdaman para hindi siya ngumiti sa lahat ng mga nakakaharap kahit kapansin-pansin ang kakaibang galaw ng kanyang mukha.

“My smile isn’t 100% back to normal. I gained 15 lbs. from the steroids I’m taking plus another extra pound because of all the parties. But that shouldn’t stop me from smiling of being around with friends and family,” sey ni Angelu.

Dagdag pa niya, dapat pa rin naman siyang mag-enjoy at magsaya kaysa isipin ang karamdaman niya.

“My heart and my life is filled with love, joy, peace, goodness, gentleness, kindness, faithfulness and self-control, all the fruits of the Holy Spirit. Thank God!! Our life are not meant to be perfect but it’s meant to be lived with a purpose.

“My God is a Sovereign God and that gives me the will to wake and smile at my day,” bahagi pa rin ng post ni Angelu.

Katunayan, hindi pa rin nakalimutan ni Angelu na batiin ang lahat ng Merry Christmas. Nag-post din siya ng mga larawan ng mga pinupuntahang party.

Patunay lamang daw ‘yun na hindi siya nagpapaapekto sa kanyang karamdaman.