FRANKFURT, Germany (AP) — Pinasabog ng explosives experts noong Linggo ang malaking World War II aerial bomb sa katimugang lungsod ng Augsburg sa Germany.

May 32,000 kabahayan at 54,000 residente sa makasaysayang central district ng lungsod ang pinalikas dakong 10:00 ng umaga ng Pasko upang mapasabog ng mga eksperto ang 1.8 toneladang bomba. Bago ang ikapito ng gabi, nag-tweet ang city police na mayroon silang “good news at Christmas”. Hudyat ito na makakabalik na sa kanilang tirahan ang mga lumikas.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina