mall-tour-ng-vince-kath-james-copy

TUMAMA ang fearless forecast na sinulat namin nitong Disyembre 23 na apat na pelikula lang ang maglalaban-laban sa box office, ang Vince & Kath & James (Star Cinema), Seklusyon (Reality Entertainment), Die Beautiful(Idea First Company/Regal Entertainment) at Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough (Quantum Films/MJM Productions/Tuko Films at Buchi Boy Productions).

Nakakuha kami ng box office income sa opening day ng walong entry sa Metro Manila Film Festival

Nanguna ang Vince & Kath & James sa kinabig na P17M; pumangalawa ang Die Beautiful -P10.5M; pangatlo ang Ang Babae sa Septic Tank 2 - P9.4M; pang-apat ang Seklusyon - P8.5M; Saving Sally - P1.8M; Oro - P600,000; Kabisera - P450,000 at Sunday Beauty Queen - P4,000. (Yes, four thousand pesos.)

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kung ikukumpara sa dating figures ng unang araw ng MMFF ang kinikita ngayon, malabong maabot ang target gross ng MMDA na P1.5 billion. Baka nga hindi pa ito umabot sa P500 million sa buong run ng filmfest.

Base sa kuwento ng mga nanood na at naglibot sa mga mall nitong Disyembre 25, kokonti lang ang mga taong nakapila kumpara sa mga nagdaang taon. Oo naman, dahil nawala ang mga pelikulang pambata, minus na kaagad ang mga tsikiting na nagpapasama sa magulang nila.

Para sa kapakanan ng mga institusyon na pinupuntahan ng proceeds ng MMFF, sana mali ang forecast namin na P500M lang ang kabuuang kita ng MMFF 2016. Umabot pa rin sa P1 billion sa buong season.

Anyway, hinuhulaan na rin ng karamihan na iuuwi ni Paolo Ballesteros ng Die Beautiful ang Best Actor at Best Float, Best Actress naman si Rhed Bustamante ng Seklusyon at posibleng mag-uwi rin ng technical awards ang nasabing pelikula pati na rin ang Kabisera at Oro. 

Karamihan din sa mga nakakausap namin, gusto ang istorya ng Saving Sally at Vince & Kath & James kaya posibleng isa sa dalawang ito ang mag-uwi ng Best Story award.

Baka maglaban-laban sa Best Director award sina Direk Jun Lana, Erik Matti at Theodore Boborol.

Malalaman kung sino ang mananalo ngayong MMFF 2016 sa Huwebes, Disyembre 29 sa KIA Theater, Araneta Center, Cubao.

(REGGEE BONOAN)