britney-copy-copy

NAGPAHAYAG ang kinatawan ni Britney Spears na ang pop superstar ay “alive and well” nang ma-hack ang Twitter account ng Sony Music at mag-tweet na pumanaw na ang singer.

“Britney Spears is alive and well, her rep tells CNN,” tweet ng reporter ng CNN na si AnneClaire Stapleton nitong Lunes. “It appears @SonyMusicGlobal erroneously tweeted her death. Sony rep says no comment.”

Nitong Lunes, nag-tweet ang verified Twitter account ng Sony Music na pumanaw na si Britney, 35. “RIP @britneyspears #RIPBritney 1981-2016,” tweet ng account ng Sony na may 613,000 followers.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nasundan pa ito ng, “Britney spears is dead by accident! we will tell you more soon,” na agad nagkaroon ng mahigit 650 retweets ilang minuto lang ang nakalipas.

Tila na-hack din ang Twitter account ng Nobel winner na si Bob Dylan sa pag-tweet naman nito tungkol sa pagpanaw ni Spears. “Rest in peace @britneyspears,” saad ng kanyang tweet na agad na niyang binura.

Burado na rin ang Tweet ng Sony Music Global tungkol kay Britney. Tumugon naman ang kumpanya tungkol dito. “We saw a new IP logged in to the account a few minutes ago and the tweet is posted by a new IP so @britneyspears is still alive #OurMine.”

Isang araw bago kumalat ang Internet hoax, ipinagdiwang ni Britney ang Pasko kasama ang kanyang pamilya. Nag-post ng video ang Grammy winner sa Instagram noong Pasko at ibinahagi ang video ng kanyang mga anak na sina Sean Preston, 11, at Jayden James at mga pamangkin na sina Maddie, 8, at Lexie, 6, na nage-enjoy sa kanilang holidays outdoor activities

“Some good hunting and zip lining for the holidays!” caption ni Spears sa clip. “Merry Christmas!!” (Us weekly)