RIYADH (Reuters) – Naglunsad ang Saudi Arabia ng fundraising campaign para sa mga Syrian na lumikas sa limang taong civil war, iniulat ng state news agency na SPA nitong Lunes.

Iniutos ni King Salman bin Abdulaziz ang relief campaign na sisimulan sa Martes at nagbigay ng 100 million riyals ($27 million) sa kampanya.

Gagamitin ang pondo sa pagtatayo ng kampo para sa refugees at magbibigay ng pagkain, gamot, at kumot sa mga tumatakas na Syrian. Hindi sinabi kung saan itatayo ang kampo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina