Nagtatanong ang isang mambabatas kung ano na ang nangyari sa bahagi ng malawak na National Government Center sa Quezon City na dapat gamitin para sa urban poor housing at sa pagtatayo ng socio-economic, civic, educational at religious facilities sa lugar.

Kinuwestiyon ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Jonas Nograles ang bagay na ito dahil mahal ngunit hindi napapakinabangan ang nasabing propyedad sapul nang isabatas ang Republic Act A9207 o “National Government Center (NGC) Housing and Land Utilization Act of 2003”.

Ayon kay Nograles, ito ay naging isang inutil na batas dahil hindi ipinatupad ng gobyerno sa nakalipas na 13 taon.

(Bert de Guzman)

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga