NGAYONG Metro Manila Film Festival 2016, dedma ang aming mga pamangkin sa mga pelikulang kasali. Kung noong mga nakaraang MMFF ay nagpapalabunutan pa sila kung kanino mapupunta ang dalawang passes na ibinigay sa amin, ngayon ay hindi man lamang kami kinulit kung nasaan na ito.

Pero interesado namang manood ang mga cinesaste dahil lima sa naglalabang walong pelikula ang binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board. Ito ay ang mga pelikulangVince & Kath & James, Babae Sa Septic Tank 2, Saving Sally, Sunday Beauty Queen at Die Beautiful. Naitsa-puwera ang Kabisera ni Nora Aunor, huh!

May mga nagsasabing si Paolo Ballesteros ang siguradong mag-uuwi ng best actor trophy. Sa best actress, tatlo ang sinasabing matinding kalaban ni Nora Aunor, sina Eugene Domingo, Irma Adlawan at Rhed Bustamante. 

Dapat na sigurong kumilos ang Noraninans at gayahin ang Vilmanians na hindi lang isa kundi paulit-ulit na pinapanood ang mga pelikula ni Ate Vi. 

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Tigilan na ang sobrang pagiging maingay sa karereklamo at kapupuri to high heavens sa idolo nila, pero hindi naman nanonood ng pelikula ng superstar. Mas inuuna pa ang pagpaplano na iboboykot daw nila ang pelikulang Oro ni Irma Adlawan dahil inagaw daw ito sa idolo nila, huh!

Sa paglilibot kasi namin sa mga sinehan na isang katotong Noranian pa ang kasama namin, dahil nagmo-monitor siya sa mga sinehang pinaglalabasan ng Kabisera, mas marami pa ang mga nanonood ng Oro kaysa Kabisera. Katunayan, may sinehan pang nag-uumpisa na ang first screening ng Kabisera pero wala pa ni isang tao sa loob, huh!

Days before the MMFF 2016, binanggit pa ng aming kaibigang Noranians na malaki raw ang pag-asang si Nora muli ang tatangahaling box office queen sa filmfest ngayong taon. 

Pero sa mga namasdan namin sa aming paglilibot, nasa kulelat list na naman ang pelikula ni Ate Guy. 

Samantala, super text naman ang mga kaibigang Vilmanians sa lahat ng mga miyembro nila na suportahan ang Vince & Kath & James. Idolo raw kasi ng mga bida ng nasabing movie ang Star for All Seasons. (JIMI ESCALA)