VATICAN CITY (Reuters) – Nag-alay si Pope Francis nitong Linggo ng pag-asa at kapayapaan ng Pasko sa mundong sinugatan ng digmaan at terorismo, at hinimok ang mga tao na alalahanin ang mga migrante, refugee at ang mga tinamaan ng krisis sa ekonomiya dulot ng pagsasamba sa pera.
Sa kanyang tradisyunal na mensahe sa “Urbi et Orbi” (to the city and the world), kinondena ng papa ang digmaan, karahasan, at pagdurusa sa panahon na dapat ay magkaroon ng pagkakaisa at kapayapaan na sinisimbolo ng sanggol na si Jesus.
“Peace to those who have lost a person dear to them as a result of brutal acts of terrorism, which have sown fear and death into the hearts of so many countries and cities,” aniya sa may 40,000 kataong nagtipon sa St. Peter’s Square.
“Today this message (of peace) goes out to the ends of the earth to reach all peoples, especially those scarred by war and harsh conflicts that seem stronger than the yearning for peace,” aniya, nagsalita sa Italian mula sa central balcony ng St. Peter’s Basilica.
Sinabi rin ni Francis na ang Pasko ay dapat na maging inspirasyon ng lahat para tulungan ang mga kapus-palad, kabilang ang mga migrante at refugee.
“Peace to the peoples who suffer because of the economic ambitions of the few, because of the sheer greed and the idolatry of money, which leads to slavery,” aniya.