DAVAO CITY – Nilamon ng malaking apoy ang isang bahagi ng Digos Public Market nitong bisperas ng Pasko.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng sunog, na mabilis na kumalat dahil pawang gawa sa flammable materials ang mga stall sa lugar.
Dakong 7:50 ng gabi nang magsimula ang sunog na tumupok sa nasa P25 milyon halaga ng ari-arian at paninda sa may isang-ektarya ng palengke.
Nagawa namang maisalba ng mga bombero ang nasa P1 bilyon halaga ng ari-arian. (Yas D. Ocampo)