elton-michael-at-madonna-copy

PINANGUNAHAN nina Madonna at Elton John ang pagbibigay tribute ng buong mundo sa Bristish pop star na si George Michael, 53, na pumanaw sa kanyang tahanan malapit sa London nitong nakaraang Linggo.

“Farewell my Friend! Another Great Artist leaves us. Can 2016 Fuck Off NOW?” saad ni Madonna sa kanyang post sa Instagram kasama ang video ng award para kay Michael na iprinisinta niya.

Nag-post din ng litrato si Elton John kasama si Michael at sinabing: “I am in deep shock. I have lost a beloved friend – the kindest, most generous soul and a brilliant artist.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sumikat si Michael sa kanyang 1980 band na Wham! at bumenta ng halos 100 milyong album sa kanyang career at nanalo ng dalawang Grammy at tatlong Brit awards.

“2016 – loss of another talented soul. All our love and sympathy to George Michael’s family,” saad naman ng bandang Duran Duran sa kanilang opisyal na Twitter account.

Nagpahayag din ang British band na Spandau Ballet ng: “We are incredibly sad at the passing of our dear friend George Michael. A brilliant artist & great songwriter.”

Nagbigay din ng tribute ang nakababatang pop stars sa influential London-born artist, na nagpaplanong maglabas ng bagong album at dokumentaryo sa susunod na taon.

“Oh God no… I love you George… Rest in peace,” ani Robbie Williams.

Sa United States, sinabi naman ng Recording Academy president Neil Portnow na siya ay “deeply saddened” sa pagpanaw ni Michael.

“During an influential career that spanned nearly four decades, George became one of the most beloved pop craftsmen and respected entertainers,” ani Portnow.

“From the enormous success he achieved with pop duo Wham! to his influential solo career, his extraordinary talent had a profound impact on countless entertainers worldwide, and his creative contributions will live on forever,” aniya. (AFP)