LOS ANGELES (AP) – Ipinahayag ni Madison Keys na hindi siya makalalaro sa Australian Open matapos sumailalim sa wrist surgery.

Ipinahayag ng 21-anyos American at ranked No. 8 sa world nitong Biyernes sa kanyang Twitter account na sumailalim siya sa ‘arthroscopic surgery’ sa kaliwang kamay, tatlong araw matapos ang kampanya sa season-ending WTA Finals noong October.

Inilarawan ng right-hander tennis star na hindi malubha ang operasyon dahil walang nasirang tendon issues at kasalukuyan siyang nagpapagaling.

Aniya, unti-unti na siyang bumabalik sa pagsasanay, sa pangangasiwa ni coach Lindsay Davenport sa Orlando, Florida, ngunit hindi pa siya handang sumagupa sa competitive tennis na magsisimula ang 2017 season sa Enero 16.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

“I don’t want to rush back and need to take my time to perform my best on the court.,” aniya.