SAN CARLOS CITY, Pangasinan - Dahil sa labis na kalasingan, napatay ng isang security guard ang dalawa niyang pinsan na umawat sa pagtatalo nila ng kanyang asawa sa Barangay Paitan-Panoypoy.

Pinaghahanap na ngayon ng San Carlos City Police si Jessie Aquino, 36, security guard, na nakapatay sa mga pinsan niyang sina Felix Aquino, 48, baker; at Arnold Villegas, 38, pawang residente sa nabanggit na lugar.

Nabatid na umuwing lasing ang suspek at nakasagutan ang asawang si Melanie Aquino, na nagtatakbo palabas ng kanilang bahay.

Nakita ito ng magpinsang biktima at pinigilan ang suspek na habulin ang ginang subalit pareho silang pinagsasaksak ng sekyu. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!