Kasabay ng pananalasa ng bagyong ‘Nina’ nagbigay ang World Health Organization (WHO) ng ilang tips upang protektahan ang kalusugan habang may bagyo.

“Typhoons bring heavy rains that may potentially increase the risk of injuries and diseases such as water-borne diseases [such as typhoid fever and leptospirosis], and vector-borne diseases [like malaria, dengue, chikungunya],” saad sa “Health Tips for Typhoon” advisory ng WHO.

Tiyakin na malinis ang inuming tubig. Lutuing mabuti ang pagkain at takpan ang mga natira upang hindi madapuan ng mga peste gaya ng langaw at ipis, payo ng WHO.

Ang mga de latang pagkain ay maaaring tumagal basta’t hindi pa nabubuksan, o walang sira ang lalagyan.

Hanash ni Roque: 'May karapatan akong tawaging bangag si Marcos Jr!'

Iwasan nang kainin ang mga pagkain sa refrigerator na posibleng masira sa pagkaputol ng kuryente, dahil maaaring magdulot ng sakit ang mga ito.

Maging malinis sa katawan. “Always wash your hands before and after eating and after using the toilet,” sabi ng WHO.

Ingatan ang sarili at ang mga mahal sa buhay. “Stay away from hanging wires and unstable structures... Do not allow children to play around debris,” ayon dito.

Huwag magbabad sa basa at malamig na panahon, at kaagad na magpatingin sa doktor kapag dinapuan ng karamdaman.

“Consult a doctor at once if you, or any household member, have any sign or symptom of illness. This will help prevent the spread off infection especially if you are in the evacuation area,” dagdag pa ng WHO.

(Charina Clarisse L. Echaluce)