Target ng Chinese investors na ilapit sa Metro Manila ang mga itatayong drug rehabilitation center katuwang ang gobyerno ng Pilipinas.

Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Operations John Castriciones, concurrent chairman ng Task Force Agila na nilikha ni DILG Secretary Ismael Sueno, na bumisita ang delegasyon ng Chinese Embassy sa opisina kamakailan at muling tiniyak ang tulong ng Chinese government sa kampanyang rehabilitasyon.

“They will be sending over a delegation in order to have an ocular inspection of the possible areas where they can build the rehabilitation facility which they will finance,” ani Castriciones.

Kabilang sa mga lugar na pinag-iisipang pagtayuan ng Chinese-funded drug rehabilitation center ay ang 10-ektaryang lupain sa Rosario, Cavite at isa pang 10-ektaryang propyedad sa Tagaytay, gayundin ang apat na ektarya sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Gayunman, sinabi ni Castriciones na nagpahayag ang mga opisyal ng embahada ng interes na bumili ng mga propyedad malapit sa Metro Manila. (Chito A. Chavez)