MAY bago nang travel companion ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang unica hija nilang si Baby Zia.
Naging ugali na nina Dingdong at Marian na mag-travel, kahit noong hindi pa sila kasal, at ngayon siyempre ay hindi
sila puwedeng magbiyahe na hindi kasama si Zia. Nag-post si Dingdong sa Instagram ng, “Month 13 Day 3 #MariaLetizia.”
Nasa Manila International Airport ang mag-anak, paalis patungong Hong Kong last Monday. Bale 13 months and 3 days old na nga si Baby Zia, na isinilang noong November 23, 2015.
Bakasyon grande ang mag-anak sa Hong Kong. Nag-time out muna si Dingdong sa taping ng Alyas Robin Hood since Holiday Season pa naman at doon na nila isi-celebrate ni Marian ang kanilang second wedding anniversary, sa December 30.
Dapat ay pupunta ang mag-anak sa Spain para makita na ng kanyang lolo at ibang relatives doon si Baby Zia, pero na-extend uli ang teleserye ni Dingdong na laging mataas ang rating, kaya ipinagpaliban na lamang muna nila ang pagdalaw sa relatives ni Marian sa Spain.
Gusto na lang sana ng Papa Fran niya na bumalik ng Pilipinas para makita ang apo, pero mas gusto ni Marian na sila ang pumunta sa Spain para makita rin ni Zia ang kanilang lugar sa Madrid.
Busy rin ang ama ni Marian sa dalawang restaurants na pag-aari nito kaya mas madali kung sila na lamang ang pupunta roon. Gusto ni Marian na ma-meet ni Baby Zia ang mga kapatid niya sa Spain.
Sasalang agad sa taping ng Alyas Robin Hood si Dingdong pagbalik nila sa January at maghahanda naman si Marian para sa bago niyang teleserye.