SOCHI (AFP) – Walang nakaligtas sa pagbulusok ng isang Russian military plane sa Black Sea noong Linggo. Sakay ng eroplano na patungong Syria ang 92 katao, kabilang ang mga miyembro ng sikat na Red Army Choir at siyam na Russian TV journalists.

Bumulusok ang Tu-154 plane ilang sandali matapos lumipad mula sa katimugang lungsod ng Adler, sinabi ni defence ministry spokesman Igor Konashenkov. Naglaho ito sa radar dalawang minuto matapos mag-take off dakong 5:25 ng umaga.

Ayon sa ministry, walang senyales sa crash site na mayroong nakaligtas. Hindi pa malinaw kung ano ang naging sanhi ng trahedya.

“Fragments of the Tu-154 plane of the Russian defence ministry were found 1.5 kilometres (0.9 miles) from the Black Sea coast of the city of Sochi at a depth of 50 to 70 metres (165 to 230 feet),” sabi ng ministry.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Idineklara ni President Vladimir Putin ang pambansang araw ng pagluluksa nitong Lunes.