BANGKOK ( Reuters) – May 400 biktima ng tsunami na tumama sa Asia noong 2004 na ikinamatay ng 226,000 katao ang hindi pa rin nakikilala sa Thailand, 12 taon ang lumipas, sinabi ng pulisya noong Lunes.
Ang 9.15 magnitude na lindol noong Disyembre 26 ay nagbunsod ng tsunami sa Indian Ocean sa isa sa pinakamalaking natural disasters sa kasaysayan.
Kabilang ang Thailand, Indonesia, India at Sri Lanka sa mga bansang pinakamatinding tinamaan. May 5,395 katao ang namatay sa Thailand, at 2,000 sa kanila ay mga dayuhang turista.
“Since the 2004 tsunami, authorities have contacted between 4,000 to 5,000 relatives to come and receive bodies.
There are about 400 bodies that we cannot identify,” sabi ni Anand Boonkerkaew, deputy superintendent ng Takua Pa district police sa Phang Nga province, sa Reuters kahapon.