SINABI ng ilang opisyal na hindi na magbabalik si Ateneo Thai volleyball coach Anusorn “Tai” Bundit sa darating na UAAP Season 80 volleyball tournament.

Ito ang usap-usapan ngayon lalo at papalapit na ang volleyball tournament ng UAAP kasunod ng napabalitang pag- aalis kay Ateneo Lady Eagles team manager Tony Boy.

Ayon kay Liao sa naging panayam dito ng league official television coveror website ABS-CBN Sports na sabay silang mawawala ni Bundit sa Ateneo kapag nagkataon.

“Kung ganoon ang mangyayari sabi ni Tai kung wala ako (sa team) wala na rin siya diyan,” ayon kay Liao na kasalukuyang nasa US upang magbakasyon kasama ng kanyang panilya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Si Tai kasi ang sabi sa akin kung aalis ako sasama na rin siya.”

Si Liao ang nagdala kay Bundit sa Ateneo bilang kapalit ni Roger Gorayeb noong 2013 kung saan kasunod nito ang kampeonato para sa Lady Eagles fighter.

Naniniwala umano si Bundit na Hindi naman magandang tingnan kung mawawala si Liao sa koponan at sya at maiiwan.

Nagdesisyon umano ang Ateneo ayon kay

Sinabi ni Athletic director Em Fernandez na may bagong rule ang unibersidad na sila na mismo amg mamahala ng lahat ng kanilang sports program.

Ngunit ayon Kay Liao, wala pang pormal na pasabi ang Athletic office ng Ateneo at nakatakda syang makipaglulong sa pamunuan nitoo pagbalik nya ng bansa sa Enero.

Samantala, kababalik pa lamang ng Lady Eagles mula sa training nila sa Thailand at sa darating na Enero ay magtutungo naman sila sa Osaka, Japan para muling magsanay bilang paghahanda sa UAAP volleyball tournament na sisimulan ng Pebrero 4. (Marivic Awitan)