HINDI sa Philippine Superliga at hindi rin sa Shakey’s V League maglalaro ang tinaguriang “Philippine Volleyball Superstar” na si Alyssa Valdez.

Nakatakdang maglaro para sa isang club team sa Thailand ang three-time UAAP MVP na si Valdez.

Pormal na kinumpirma ni Valdez ang kaganapan sa kanyang career sa post sa Facebook nitong araw ng Kapaskuhan.

Pumayag umano ang dating Ateneo at UAAP star na si Valdez sa alok ng 3BB Nakornont para sa kanilang kampanya sa Thailand League hanggang sa Thai-Denmarl League sa Abril ng taong 2017.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“3BB Nakornonnt is set to fight even harder in 2017’s Volleyball Thailand League as the team officially signs Philippine star Alyssa Valdez,” pahayag ni Valdez sa Facebook.

“Head coach Acting Sub. Lt. Thanakit Inleang (Coach M) believes in her attacking and defensive skills which will strengthen the team in Leg 2 of the league and the Thai-Denmark Super League.”

Ang 3BB Nakornonnt ang siya ring koponan ng mga nakaraang Thai imports ng Bureau of Customs sa V League na sina Som Kuthaisong at Nic Jaisaen .

Hawak ng koponan ang 3-2 marka sa Thailand League.

Kalahok din sa naturang liga at nakatakdang makalaban ng koponang lalaruan ni Valdez ang Bangkok Glass.

Magbabalik-aksyon ang Thailand League sa Enero 7 kung Saan unang sasabak si Valdez bilang miyembro ng 3BB Nakornonnt. (Marivic Awitan)