ISA pang Cabalen ang binabantayan na maging super star sa collegiate basketball.

Bigyan-daan si Pampanga’s best rookie Encho Serrano.

Nangunguna si Serrano sa labanan para sa Most Valuable Player award sa UAAP Season 79 juniors basketball.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

“Kinuha lang po ako ni coach (Goldwin Monteverde),” pahayag ni Serrano, patungkol sa kanyang paglipat sa Adamson mula sa Ateneo.

Tangan ng 17-anyos mula sa Apalit, Pampanga ang averaged 19.3 puntos at season-high 25 puntos, 8.1 rebound at.4 assist.

Sa pangunguna ni Serrano, winalis ng Baby Falcons ang first round tangan ang 7-0 marka para patatagin angh kampanya sa kauna-unahang titulo mula sa kapanahunan ni coach Charlie Dy (1993) kung saan nakuha nila ang anim na sunod na kampeonato.

“Nagpapasalamat ako kay God na binigyan ako ng opportunity na maglaro sa UAAP. Ibibigay ko ang lahat ng kaya ko para sa team ko. Lahat ng tinuturo ni coach, ginagawa ko,” sambit ni Serrano.

Sa katatapos na 5th Philippine Secondary Schools Basketball Championship (PSSBC), tinanghal na Finals MVP si Serrano , habang kasama sa Mythical Five sina Adamson’s Gerry Austin Abadiano, La Salle Greenhills’ Troy Mallillin, Mapua’s Rom Junsay, at CKSC’s Jonas Tibayan.

Sinabi ni Monteverde na pinabilib siya ni Serranosa kabila nang paghahanda nito sa sistema ng laro.

“Definitely, the kid has heart. Very aggressive siya sa rebounding and very athletic. Sometimes, he is still adjusting to the system. Pero kahit nag-aadjust siya, malaki pa rin nako-contribute niya,” sambit ni Monteverde.

Inamin naman ng 5-foot-11 na si Serrano, na malayo pa ang laban kung kaya’t hindi priorida sa kanya ang parangal bagkus ang magkampeon ang koponan.

“Kailangan pa naming trabahuin. Gagawin namin ang makakaya namin,” sambit ni Serrano.