Disyembre 26, 1946 nang buksan sa publiko ang isa sa mga kilalang American landmark, ang The Pink Flamingo Hotel & Casino sa Paradise, Las Vegas, Nevada.
Ito ay dating pagmamay-ari ng mobster na si Benjamin “Bugsy” Siegel, ang Flamingo ay 40-acre (16 na hektarya) property na orihinal na pag-aari ni Charles “Pops” Squires, isa sa mga unang dayuhan sa Las Vegas, na nagkakahalaga ng $6 million. Ito ay binubuo ng 105 kuwarto at unang luxury hotel sa Strip, itinayo sa layong apat na milya mula sa Downtown Las Vegas.
Kilala ngayon bilang Flamingo Las Vegas, ang pasilidad ay pinaniniwalaang ipinangalan ni Siegel sa kanyang nobyang si Virginia Hill, na nais magsugal at may palayaw na “Flamingo,” na mismong si Siegel ang nagbansag sa kanya dahil sa mahaba niyang binti.