LINGAYEN, Pangasinan – Naaresto ang isang driver na nagpanggap na dentista sa entrapment operation na ikinasa ng pulisya at ng Philippine Dentist Association (PDA)-Pangasinan sa Barangay Station District sa bayan ng Rosales.
Ayon sa pulisya, dakong 7:00 ng umaga nitong Biyernes nang dakpin ng mga awtoridad sa Bgy. Station District, Rosales si Richard dela Cruz, alyas “Repot”, 47, na kakasuhan ng ilegal na pagpa-practice ng dental medicine.
Inaresto si Dela Cruz makaraang sukatan ng pustiso ang asset ng PDA-Pangasinan at tanggapin ang P1,400 marked money mula sa huli.
Nakumpiska rin sa operasyon ang iba’t ibang gamit sa pagdedentista. (Liezle Basa Iñigo)