TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Nasugatan sa leeg ang isang lalaki matapos siyang tamaan ng ligaw na bala habang nasa loob ng kanyang bahay sa Barangay Tucanon, Aritao, Nueva Vizcaya, nitong bisperas ng Pasko.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Roger Iglesia, 47, na naka-confine ngayon sa ospital dahil natamong tama ng bala sa leeg.
Napaulat na kasama ng biktima ang kanyang pamilya sa pagdiriwang ng bisperas ng Pasko nang makarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril.
Napalabas ng bahay si Iglesia upang mag-usisa hanggang masapol siya ng bala sa leeg. (Freddie G. Lazaro)