LAGING inaabangan ang love life ni Vice Ganda. Lagi ring naka-monitor ang media kung sino talaga ang nagpapasaya sa It’s Showtime host. Kapansin-pansin sa noontime show na laging nasesentro ang biruan sa kanyang love life.
Sa update sa amin ni Vice kung sino si Mr. Right sa kanyang puso...
“Masayang-masaya ang puso ko. In love ako,” bungad sa amin ng actor-TV host. “Ang sarap magtrabaho ng in love, ang sarap mag-celebrate (ng success) ‘pag in love, ang sarap magtagumpay nang in love, ang sarap everyday ‘pag in love,” natatawang dugtong niya.
‘Yun nga lang, ayaw pangalanan ni Vice ang nagpapatibok ng kanyang puso -- na hindi pala Pilipino.
“Taga-Brazil siya. Ipinanganak siya sa Beirut. Naglalaro siya ng football, charot!” agad niyang bawi.
Tungkol naman sa blockbuster na The Super Parental Guardians, tuluy-tuloy pa rin ang pananalasa nito sa takilya.
“Dire-diretso pa, hangga’t may nanonood, dire-diretso pa kami.”
Paliwanag ni Vice, “’’Yung MMFF, Metro Manila lang naman siya kaya nakakasiguro kami na ‘yung outskirts, ‘yung provincial, ‘yung outside Metro Manila, dire-diretso pa rin ang pagpapalabas ko.
Sa MMFF entries, sinusuportahan niya angVince & Kath & James at ang Seklusyon.
Pagkatapos ng Pasko, magbabakasyon sa Paris ang buong pamilya ni Vice Ganda. (Ador Saluta)