Sa kanilang bahay na nagdiwang ng Pasko si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada matapos payagang makalabas ng pagamutan.
Nabatid na bumuti na ang kalusugan ng alkalde kaya’t pinayagan siya ng kanyang doktor na makauwi nitong Sabado upang maipagdiwang ang Pasko sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.
Ipinasok sa Cardinal Santos Medical Center si Estrada dahil sa pneumonia.
Kahapon ay balik-trabaho na ang alkalde, bagamat pinayuhan siya ng mga doktor na maghinay-hinay lamang upang mabilis na bumalik ang malusog na pangangatawan. Pinatitigil din siya sa paninigarilyo. (Mary Ann Santiago)